Sunday, September 28, 2008

Buod Ng Dekada 70 by Ephraim Buhi-on

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamayan. Laganap sa bansa ang iba?t ibang klaseng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang mga rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang bumagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ?Mom? ng 5 anak na pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at asawa, at nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring niya na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparan na niya rin.Ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang komunista, di man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya natagpuan ang katuparan ng kanyang pangarap, pangarap ng isang makataong lipunan para sa anak nila ni Mara na s iRev at sa iba pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukasan. Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa?t nagka-anak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Siya?y nanirahan na sa Abroad kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em, pinakamatalino sa magkakapatid naging isang magaling na manunulat sa isang lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law. Sumunod ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyande ay matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak. Isang araw sa di-inaasahang pagkakataon, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang basurahan, hubo?t hubad, labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka din ng itinaling alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita?t, tuhog, basag pati bayag. Malagim at malupit ang pagkamatay ni Jason, salvage dahil kung bakit at kung sino ang maygawa walang makapagsabi. Ang kaso ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya. Ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan, ngayo?y magtatapos na ng kolehiyo.Iba?t ? iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi siya ganap na umunlad bilang tao. Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang tao, sa paglaki ng kanyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan. Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan nadarama ng kanyang asawa, naging walang kibot sa mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaya minsan napag isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang ipaalam kay Julian ang pagkukulang niya sa kanyang pamilya, lalo na kay Amanda. Pinigilan siya ni Julian at nangakong magbabago at kanya naming tinupad ang pangakong ?yon.Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng kanyang mga anak. Masarap ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo, habang wala pa silang sinasaktan sa?yo kundi kalingkingan ng paa mo na natatapakan nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga pero hintayin mo ang panahong kasintaas mo na siya, ?yong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling isip at buhay, buhay na hiwalay na sa?yo, at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait na kamatayan habang inihahanda mo ang kasal na hindi niya gusto. Habang nagpuputukan sa tapat ng kongreso sa isang pagkakataong hindi pa siya umuuwi. Habang binabasa mo ang balitang nasugatan siya sa isang sagupaan. Habang ibinibigay nila sa?yo ang selyadong kabang ng batang kailanma?y di mo malilimutan hinugot mula sa tiyan mo. Ito ang nadama ni Amanda nang pumunta sila sa burol ni Willy, kaibigan at kasamahan ni Jules sa NPA na napatay sa isang engkwentro.Naging mahirap para kay Amanda na tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang sarili sa pagaalala sa kalagayan nito na minsan pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang sugatan sa kanilang tahanan upang ipagamot sa ina. Maging ang pagkasira ng relasyon nila Gani at Evelyn. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawa niyang isisi sa sarili, iniisip niya na marahil meron siyang pagkakamali sa pagpapalaki sa mga ito.Natamo niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa pagtulong na kanyang ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules. Pagtulong na bukal sa kanyang puso, tungkulin hindi naman iniatas sa kanya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan.Tuloy pa rin ang laban tungo sa kalayaan, nakaalpas man tayo sa pagmamalupit ng diktador, tuloy pa rin ang laban na sinumulan pa ng ating mga ninuno at hindi ito matatapos hanggang may mga taong gahaman sa kapangyarihan. Marami pang buhay na handang ibuwis at marami pang tulad nila Jules at Mara na handang makipaglaban upang makamtan ang kalayaan ng ating bayan. Natutunan niyang pangibabawan, kahinaa?t kahirapa. Sa mga kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting siyang naindigan.

Friday, September 5, 2008


AKING PAHALAGAHAN
Ni:Jim C. Tapi-on
III-maunawain
Sa aking paligid aking mapapansin
Mga tao, bagay, lugar at gawain
Tila Obra Maestra ito ng Diyos na butihin
Tila ako'y nilikha niya na may dahilan at layunin.
Kapaligiran ito na parang paraiso
Na kailangang mapaunlad at mapakinabangan ng tao
At kailangan ding mapangalagaan ng husto
Para sa lahat ng tao dito sa mundo.
Katawan kong malusog, lakas at talino
Gagamitin ko ito sa tamang paraan at konsepto
Kaya ngayon pa lamang maghanda na ako
Sa ano mang haharapin ko sa hamong ito.
Pero sa laki ng kapaligirang ito parang hindi ko kaya
Kailangan siguro dito mamamayan ay magsama-sama
Ngunit kong walang makaintindi sa aking pasya
Haharapin ko nalang ito ng mag-isa.
Hindi ko talaga uurongan ang hamong ito
Sapagkat utos ito ng Diyos sa akaing pagkatao
Kaya humanda kayong mga walang prinsiyo
Dahil sa toktok ng tagumpay ako patungo.
Kaya hinahamon ko ang lahat tayo ay magsama-sama
Para matikman natin ang mga magagandang biyaya
Pero kong sa tingin ko'y ayaw ninyo talaga
Malalaman ng lahat ang ugali ninyo sa aking papel at pluma.