Tuesday, July 22, 2008

Ang aking buhay (ni sarahjean zaragoza)

ako ay isang batang walang
magulang sanay na ako nawala
ang aking magulang dahil maaga
silang kinuha ng Panginoon,

hindi kuman lang nakita ang
papa ko sa personal, kahit wala na
at ang mama kunaman ay limag
taon palang ako namatay na din siya

pero tuloy parin
ang buhay masaya parin ako
dahil kahit wala na sila meron
namang nag-mamahal sa akin

at sumuporta sa lahat ng kailangan
ko at nagpapasalamat alo sa lahat ng
nag-aalaga sa akin at sa Panginoon
na hindi niya ako pinabayaan

at ang lola ko naman ang nag-alaga sakin
ng labing-apat na taon niya ako inalagaan
at kahit nahihirapan
ako nag-aadjust na lang ako

sa sarili dahil nakikisama
lang kai sa bahay ng
antie ko at meron din
akong dalawang kapatid

na nawalay sa akin dahil
magkaiba kami ng ama
magkapaid lang kami sa ina
at higit sa lahat isa akong

masayahin, mabait,
magalang at masunurin sa
lahat ng utos na binigay
sa akin at mapagmahal din ako,..

Friday, July 18, 2008

Ang Aking Kabataan
(Ni: Rejoice Haim)

Nang akoy isinilang sa mundong ito

Nagsimulang gumalaw ang aking buhay

Sa araw-araw na nagdaan sa buhay ko

Parami ng parami ang aking natutunan.

Tulad ng ibang bata

Isa sa aking unang natutunan ay ang pagsambit ng isang wika

Ang ating sariling wika ang isa sa nagturo kung paano

Maintindihan ang mga payo ng mga magulang.

Abot langit ang pagmamahal ko sa sariling wika,

Siguro ang ikinakahiya ito ay isang napakabuting tao

Na hindi marunong

Tumangkilik at magmahal nito.

Pilit tinatanong sa aking sarili,

Saan kaya nagmula ang wika,

Sino kaya ang may gawa,

Paano kaya ntuklasan ito?

Pero sa aking pag-aaral,

Nalaman ko na sa poong maykapal nanggaling ang lahat

At walang sinumang

Makapapalit sa kanyang trono.

Nagluluksa ang langit sa bawat oras

Na may kumakahiya sa sariling wika

Isa ito sa kayamanan ng bayan

At ng mga taong sumasalita nito.

Maipagmamalaki ko ito,

Mamahalin ko ito,

Pagyayamanin din ito,

Tatangkilikin natin ito.

Sino Ako?

Ang Aking Buhay

(Ni: Russendel John C. Haim)



Ako ay namulat sa bansang Pilipinas,

Na para sa akin ay mayaman sa kultura.

Hindi masyadong marunong magtagalog,

Pagka’t sa Mindanao nagkaroon ng linggwahe.

Pinalaking tama at mabuti,

Natuto ng tama at malaki.

Pinaaral ng mabuti,

Sinuklian ng malaki.

Minahal ako ng buong puso,

Pinasasalamatan naman ng buong pagmamalaki.

Tayo ay magmahalan,

Nang mundo ay may kapayapaan.

Sa tuwing ako’y nagkakasakit,

Ako’y tinutulungan at ginagabayan.

Bilang pasasalamat sa pag-aaruga,

Buong puso akong tutulong ano man ang dumating.

Pagka’t walang medalyang natanggap,

Ngunit sa puso ko’y sobra-sobra ang aking natanggap.

Ako ay nagpapasalamat,

Pagkat kayo ang aking ilaw mula pagkabata.

At kahit kayo’y wala na,

Sa puso ko’y kayo ang pinakamamahal.

Masakit mang isipin,

Ngunit lahat tayo’y mawawala din.


Wednesday, July 16, 2008

Sino Ako

Ang Aking Buhay Na Gusto


I.
Nais kong mabuhay
Na malaya't masaya
Pag pamilya ay kasama
Wala nang mahihiling pa

II.
Inalagaang mabuti
Ng mabubuting magulang
Simula sa pagkabata
Hanggang naging dalaga

III.
Isang masayahin at
Mapagmahal na
Anak at kaibigan
Na mabait at magalang

VI.
Masipag sa paaralan
Lalo na sa gawaig bahay
Sa pagkat mas malaki ang oras
ko para sa pamilya kaysa paaralan

V.
Simple lang ang buhayko
Pero ako ay naging masaya
Kahit walang pera
Basta't sama-sama

IV.
May simpleng pangarap
Ng makatapos sa pag-aaral
Para magkaroon ng
Maliwanag kinabukasan


Ipinasa ni:Grace Paumar

Tuesday, July 8, 2008

SINO AKO

1. Bumuo ng sariling tula hango sa sarili.
2. May anim o higit pang saknong ang tula.
3. Apat na taludtod ang bawat saknong.
4. Malayang taludturan o walang sukat at tugma ang tula.
5. I-post ito sa blogspot bago ang ika-18 ng Hulyo, 2008.