Ang Aking Kabataan
(Ni: Rejoice Haim)
Nang akoy isinilang sa mundong ito
Nagsimulang gumalaw ang aking buhay
Sa araw-araw na nagdaan sa buhay ko
Parami ng parami ang aking natutunan.
Tulad ng ibang bata
Isa sa aking unang natutunan ay ang pagsambit ng isang wika
Ang ating sariling wika ang isa sa nagturo kung paano
Maintindihan ang mga payo ng mga magulang.
Abot langit ang pagmamahal ko sa sariling wika,
Siguro ang ikinakahiya ito ay isang napakabuting tao
Na hindi marunong
Tumangkilik at magmahal nito.
Pilit tinatanong sa aking sarili,
Saan kaya nagmula ang wika,
Sino kaya ang may gawa,
Paano kaya ntuklasan ito?
Pero sa aking pag-aaral,
Nalaman ko na sa poong maykapal nanggaling ang lahat
At walang sinumang
Makapapalit sa kanyang trono.
Nagluluksa ang langit sa bawat oras
Na may kumakahiya sa sariling wika
Isa ito sa kayamanan ng bayan
At ng mga taong sumasalita nito.
Maipagmamalaki ko ito,
Mamahalin ko ito,
Pagyayamanin din ito,
Tatangkilikin natin ito.
No comments:
Post a Comment