Tuesday, July 8, 2008

SINO AKO

1. Bumuo ng sariling tula hango sa sarili.
2. May anim o higit pang saknong ang tula.
3. Apat na taludtod ang bawat saknong.
4. Malayang taludturan o walang sukat at tugma ang tula.
5. I-post ito sa blogspot bago ang ika-18 ng Hulyo, 2008.

2 comments:

paul art said...
This comment has been removed by the author.
paul art said...

"Ang Mithiin Ko Sa Buhay"
I.
Ako'y isinilang sa isang bayan
Kalamansig,sultan kudarat ang pangalan
Isang masiglang bata at matapang
At naging Paul Art ang pangalan

II.
Sa buwan ng Pebrero ang aking kaarawan
Kahit walang handa ang aking mga magulang
Kami masaya kahit hindi mayaman
Sa hirap ng buhay kami nagtutulungan

III.
Kaya't akoy nangangako sa aking sarili
Patuloy na mag-aaral kahit gipit sa salapi
Para pagdating ng araw akoy makatapos
Mga magulang ko ay laging nakangiti

IV.
Kahit minsan dumating sa buhay
Ang maraming mga pagsubok
Mga problema at mga lumbay
Sa panginoon na lamang aking idalangin

V.
Nais ko nang matanggap
Ang aking mga pangarap
Sa aking mga mithiin sa buhay
Ako'y laging maghihintay

VI.
Ako'y patuloy sa paglalakbay
Hangga't taglay parin ang hiram kong buhay
Paggalang sa aking mga magulang ay ibubuhay
At mamahalin ko sila habang buhay