Sunday, October 19, 2008
Tauhan ng Noli Me Tangere
Crisostomo Ibarra---------Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias----Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago-------Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso------Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi------Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara---Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo ---Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa----Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin----Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes-----Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina-----Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion----Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña-----Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares-----Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don FilipoTinyente------ mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni SinangSeñor Nol JuanNamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas-----Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno----Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel---- Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia-- --Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Iday, Sinang, Victoria,at Andeng------Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral ----Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael IbarraAma ni Crisostomo;------ nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino-------Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo------Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio-----Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan ValentinTinyente Guevarra----Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria---Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla----Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino----Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Sunday, September 28, 2008
Buod Ng Dekada 70 by Ephraim Buhi-on
Friday, September 5, 2008
AKING PAHALAGAHAN
Ni:Jim C. Tapi-on
III-maunawain
Mga tao, bagay, lugar at gawain
Tila Obra Maestra ito ng Diyos na butihin
Tila ako'y nilikha niya na may dahilan at layunin.
Na kailangang mapaunlad at mapakinabangan ng tao
At kailangan ding mapangalagaan ng husto
Para sa lahat ng tao dito sa mundo.
Gagamitin ko ito sa tamang paraan at konsepto
Kaya ngayon pa lamang maghanda na ako
Sa ano mang haharapin ko sa hamong ito.
Kailangan siguro dito mamamayan ay magsama-sama
Ngunit kong walang makaintindi sa aking pasya
Haharapin ko nalang ito ng mag-isa.
Sapagkat utos ito ng Diyos sa akaing pagkatao
Kaya humanda kayong mga walang prinsiyo
Dahil sa toktok ng tagumpay ako patungo.
Para matikman natin ang mga magagandang biyaya
Pero kong sa tingin ko'y ayaw ninyo talaga
Malalaman ng lahat ang ugali ninyo sa aking papel at pluma.
Friday, August 29, 2008
Ang aking buhay
Mabait at magalang
Hinde sobrang tapang
Pero lumalaban
Hindi ko pinapatulan ang
Maliit na bagay
Dahil makakasira lang
Sa aking buhay
Pag akoy nag-iisa
Ang buhay koy wala na
Hindi ko kayang pagwalang kasama
Hindi mapalagay pag akoy nag-iisa
Sa aking mga kaibigan
Akoy matulingin at mabait
Pag akoy may kailangan
Handa silang tumulong
Akoy pinalaki na maayos
at may takot sa diyos
Pinalaki na may pagmamahal
At may respeto sa aking magulang
Inspirasyon ko ang
Aking magulang
Para sa aking
Kinabukasan
Tuesday, July 22, 2008
Ang aking buhay (ni sarahjean zaragoza)
magulang sanay na ako nawala
ang aking magulang dahil maaga
silang kinuha ng Panginoon,
hindi kuman lang nakita ang
papa ko sa personal, kahit wala na
at ang mama kunaman ay limag
taon palang ako namatay na din siya
pero tuloy parin
ang buhay masaya parin ako
dahil kahit wala na sila meron
namang nag-mamahal sa akin
at sumuporta sa lahat ng kailangan
ko at nagpapasalamat alo sa lahat ng
nag-aalaga sa akin at sa Panginoon
na hindi niya ako pinabayaan
at ang lola ko naman ang nag-alaga sakin
ng labing-apat na taon niya ako inalagaan
at kahit nahihirapan
ako nag-aadjust na lang ako
sa sarili dahil nakikisama
lang kai sa bahay ng
antie ko at meron din
akong dalawang kapatid
na nawalay sa akin dahil
magkaiba kami ng ama
magkapaid lang kami sa ina
at higit sa lahat isa akong
masayahin, mabait,
magalang at masunurin sa
lahat ng utos na binigay
sa akin at mapagmahal din ako,..
Friday, July 18, 2008
Ang Aking Kabataan
(Ni: Rejoice Haim)
Nang akoy isinilang sa mundong ito
Nagsimulang gumalaw ang aking buhay
Sa araw-araw na nagdaan sa buhay ko
Parami ng parami ang aking natutunan.
Tulad ng ibang bata
Isa sa aking unang natutunan ay ang pagsambit ng isang wika
Ang ating sariling wika ang isa sa nagturo kung paano
Maintindihan ang mga payo ng mga magulang.
Abot langit ang pagmamahal ko sa sariling wika,
Siguro ang ikinakahiya ito ay isang napakabuting tao
Na hindi marunong
Tumangkilik at magmahal nito.
Pilit tinatanong sa aking sarili,
Saan kaya nagmula ang wika,
Sino kaya ang may gawa,
Paano kaya ntuklasan ito?
Pero sa aking pag-aaral,
Nalaman ko na sa poong maykapal nanggaling ang lahat
At walang sinumang
Makapapalit sa kanyang trono.
Nagluluksa ang langit sa bawat oras
Na may kumakahiya sa sariling wika
Isa ito sa kayamanan ng bayan
At ng mga taong sumasalita nito.
Maipagmamalaki ko ito,
Mamahalin ko ito,
Pagyayamanin din ito,
Tatangkilikin natin ito.
Sino Ako?
Ang Aking Buhay
Ako ay namulat sa bansang Pilipinas,
Na para sa akin ay mayaman sa kultura.
Hindi masyadong marunong magtagalog,
Pagka’t sa
Pinalaking tama at mabuti,
Natuto ng tama at malaki.
Pinaaral ng mabuti,
Sinuklian ng malaki.
Minahal ako ng buong puso,
Pinasasalamatan naman ng buong pagmamalaki.
Tayo ay magmahalan,
Nang mundo ay may kapayapaan.
Sa tuwing ako’y nagkakasakit,
Ako’y tinutulungan at ginagabayan.
Bilang pasasalamat sa pag-aaruga,
Buong puso akong tutulong ano man ang dumating.
Pagka’t walang medalyang natanggap,
Ngunit sa puso ko’y sobra-sobra ang aking natanggap.
Ako ay nagpapasalamat,
Pagkat kayo ang aking ilaw mula pagkabata.
At kahit kayo’y wala na,
Sa puso ko’y kayo ang pinakamamahal.
Masakit mang isipin,
Ngunit lahat tayo’y mawawala din.